Miyerkules, Marso 20, 2013

            paano magsimula ng negosyo

masarap ang magtatag ng isang negosyo. higit na mas maganda kaysa trabaho sapagkat sa negosyo ay may
kakayanan kang madoble o higit pa ang kikitain mo. ngunit tandaan natin na ang pagnenegosyo ay isang obligasyon na higit pa sa trabaho. may mga tips ako para madagdagan ang inyong kaalaman sa pagnenegosyo.

kung ikaw ay wala pang negosyo at nagpa-plano ka pa lamang, mainam na tandaan ang mga sumusunod:

1. dapat ito ay sang-ayon sa iyong hilig. mas madali kasi ang pagpapatakbo ng isang negosyo kung mismomg ikaw ay nage-enjoy sa ginagawa mo. halimbawa, ang hilig mo ay pagdo-drawing. higit na bagay sayo ang pag-gawa ng mga signage at printing. o kung ikaw ay mahilig magluto syempre pwede kang magtayo ng isang maliit na karinderya o mag lako ka kung may mga factory jan sa lugar nyo.. kaya dapat lang na alamin mo muna ang iyong hilig bago ka pumasok sa negosyo. wag wag kang papasok sa isang uri ng negosyo na hindi mo alam sapagkat napakalaki ng tsansa na ikaw ay malugi o maloko... pagisipan mabuti ang itatayong negosyo sangayon sa iyong hilig

2. sino ang mangangailangan ng iyong produkto- mainam na alamin mo'ng mabuti kung sino-sino ba ang mangangailangan sa iyong produkto o serbisyo. sapagkat sila ang iyong magiging pangunahing costumer sa iyong negosyo.

3. alamin ang merkado- mainam na alamin mo din ang merkado ng iyong produkto sapagkat dito magbabase ang iyong mga kostumer kung mahal o tama lang ba ang iyong presyo. tandaan!wag  magpresyo ng sobrang baba dahil baka ikaw ay malugi at wag din naman mag-presyo ng sobrang mahal baka naman wala ng magpagawa sayo...

4. patuloy na tumuklas- wag magsasawang tumuklas ng mga bagong kaalaman at kasanayan upang higit pang mapaganda ang iyong serbisyo o produkto. ganun din ang gawin sa pagbili ng mga materyales, tuklasin kung saan makakabili ng murang materyales o kung papaano makakabili ng murang materyales.

5.pahalagahan ang mga kostumer- tandaan natin na kaya tayo nakatayo ay dahil sa mga taong tumatangkilik ng ating negosyo. kaya marapat lang na ibigay natin ang atensyon para sa ating mga kostumer

6. kasanayan sa pagpapatakbo ng budget-  kinakailangan na may kaalaaman ka sa pagpapatakbo ng iyong pananalapi...http://string-attached.blogspot.com/ sapagkat dito nakasalalay ang pag-ikot at paglago ng iyong negosyo.



ayan! sa ngayon yan lang muna ang maibibgay ko sa inyong tip. mejo gabi na kasi... sundan nyo po yung mga susunod kong article patungkol sa pagnenegosyo! salamat and god bless!